Examples of lesson plan used (detailed, semi-detailed)


Example of Detailed Lesson Plan

Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan
Baitang 9 - Ekonomiks
I.Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nasusuri ang ugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok.
2. Nabibigyang halaga ang konsepto ng consumption at savings sa pag-iimpok.
3. Naipapakita ang ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok, pagkonsumo at ang “7 Habits of a Wise Saver” sa pamamagitan ng iba’t-ibang pangkatang gawain na itatanghal ng mga mag-aaral.
       II.        Nilalaman
Paksa:  Yunit III: Makroekonomiks
                           Aralin 3: Ugnayan ng Pangklahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo
Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan: Modyul para sa mga Mag-aaral
Pahina: 259-263
Mga Materyales:  mga kagamitang biswal, power point presentation, laptop, projector, pisara at yeso
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
1.Panalangin
            Magsitayo ang lahat.
Simulan natin ang araw na ito sa pamamagitan ng isang maikling panalangin.
 Francis, maaari mo bang pangunahan ang pagdarasal?

2.Pagbati
Magandang Umaga 9-Gold!

3.Pagsisiyasat ng Kapaligiran
Bago kayo magsiupo, pakipulot ang mga kalat na nakikita sa inyong paligid. Matapos pulutin ang mga kalat, mangyari na ayusin ang inyong mga upuan. Pakitago ang mga bagay na walang kinalaman sa ating asignatura.

4.Pagtatala ng Liban

Divine, mayroon bang lumiban sa klase ngayon?

Magaling! Bigyan ang inyong mga sarili ng hooray clap.

5.Balik-aral

            Bago tayo dumako sa ating aralin   magkakaroon muna tayo ng balik aral.
Ano nga ba ang tinalakay nating paksa noong nakaraang pagkikita?


Mahusay! Sa pamamagitan ng pagsusukat ng Pambansang Kita, nakakapagbigay ito ng ideya patungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at naipapaliwanag kung bakit mababa o malaki ang naging pag-unlad ng bansa.

Mayroon pa ba kayong ibang ideya?




Magaling! Salamat. Bukod sa kahalagahan ng pagsusukat ng pambansang kita, ano pa ang ating tinalakay?

Tama. Mahusay!

Paano nga ba nagkakaiba ang GNI at GNP?







Magaling! Ang Gross National Income ay tumutukpy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Samantala ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihamg halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.

Tunay na marami kayong natutunan sa ating nakaraang talakayan. Ako ay humanga sa ipinakita ninyong galing. Mahusay 9-Gold. Bigyan ang inyong mga sarili ng Good Job Clap.







  (Ang mga mag-aaral ay magsisitayo upang simulan ang panalangin)





Magandang Umaga rin po Binibining de Jesus! Welcome to 9-Gold! Mabuhay!



(Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng kalat at aayusin ang kanilang mga upuan)







Wala po. Ang lahat po ay naririto.


(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang istilo ng pagpalakpak)





Ma’am, ang tinalakay po natin ay ang kahalagahan ng pagsusukat ng pambansang kita at kung paano ito naging batayan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.









Sa pamamagitan po ng paghahambing ng Pambansang Kita sa loob ng ilang taon nakikita po kung anong direksyon mayroon ang ekonomiya ng isang bansa kung may pag-unlad na bang nagaganap.

Ang pagkakaiba po ng GNI at GNP.





Ang Gross National Income po ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa samantala ang Gross Domestic Product ay sinusukat kasama ang mga kita ng mga dayuhan sa loob ng bansa.


















(Gagawin ng mga mag-aaral ang naturang istilo ng pagpalakpak)



B.Pagganyak
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral

(PAGTAGLINETAGLINE-IN!)

Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong aralin. Handa na ba kayo? Ihanda ang sarili para sa talakayan ngayong araw na ito. Pero bago ang lahat tayo ay magkakaroon ng isang laro. Kung saan ang bawat grupo ay bibigyan ko ng materyales na magagamit para sa ating boards up. Ang bawat pangkat ay may itatalagang lider upang isulat ang napagkasunduang sagot batay sa tagline na makikita sa larawan sa projector. Kung sino ang unang pangkat na makapagpakita ng tamang sagot ang siyang makakakuha ng puntos na idadagdag sa grado sa pangkatang gawain. Matapos malaman ang bawat sagot, isulat o tandaan ang mga ito upang makatulong sa inyo sa pagsagot sa mga ibabato kong ilang mga katanungan ukol dito.
Nauunawaan ba? Nakakasunod pa ba?

       

     

      
       
 




Ano ang inyong napansin sa mga nakalap na kasagutan?

Tumpak!  Ano ang unang pumapasok sa inyong isip kapag naririnig mo ang salitang bangko?




Tama! Ano pa ang inyong mga ideya?





Tama. Magaling! Sa bangko nila itinatago o iniimpok ang kanila mga kinitang salapi.

Bukod sa pag-iimpok ng pera, saan o paano ba natin ginagamit ang mga kinitang salapi?
Ibig sabihin ang pera ay ginagamit natin sa papaanong paraan?


Tama!  Ang pera ang ginagamit nating upang kumonsumo ng produkto at serbisyong kinakailangan natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kasama na rito ang ating mga luho at nais mga bilhing bagay.
Samakatuwid ang salaping mula sa kita ng tao ay iniipon at ito rin ang ginagamit na panggastos.





Opo.



















Opo.


BPI


BDO



Landbank


Metrobank


PAG-IBIG Fund





Mga halimbawa po ng banko.


Marami pong perang dinadala sa bangko.






Karaniwan po dito dinadala ng ibang tao lalo na ng mayayaman yung mga salaping kanilang kinita sa tuwing sila ay sumesweldo. Sa bangko po nila ito ipinapatago upang magkaroon ng savings.







Ginagamit po nating panggastos.


Ginagamit po natin ang pera sa pagbili ng ating mga pangangailangan at kagustuhan.




C.Pagtalakay
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral

Mayroon na ba kayong ideya kung ano ang ating aralin sa araw na ito?

Magaling! Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.

Ngayon ay aalamin natin kung papaano nga ba nagkakaugnay ang kita, pag-iimpok at pagkonsumo.

Sa inyong palagay, ang salapi ba ay maaaring maubos?



Tama, ang pera ay maaaring maubos kaagad. Saan nanggagaling ang pera at paano nagkakaroon ng pera ang isang tao?

Mahusay! Ito ay mula sa kita ng mga tao. Ano nga ba ang kita? Sa paanong paraan nagkakaroon ng kita ang tao?

Tama! Napakausay! Natatandaan pa ang konsepto ng kita.
Ang kita ay maaaring gastusin sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. O yung tinatawag nating pagkosnsumo. Ano ang pagkonsumo?



Magaling! Sa konsepto ng pagkonsumo ay mayroon tayong tinatawag na impulse buyer. Mayroon ba kayong ideya patungkol dito?


Tama. Kung mayroong mga taong nais mag-impok mayroon ring mga impulse buyer, kung saan basta may pera bili nalang nang bili hanggang maubos ito. Kapagka wala ng pera, saka maaalala ang kanyang iba pang pangangailangan. Nabubuhay sila as one day millionaire.
       
Subalit bukod sa paggastos ng pera, ano pa ang ibang bagay na maaaring gawin sa pera?


Magaling! Ito ay maaaring itago sa bangko upang maging savings. Dahil nabanggit ninyo ang salitang savings alamin natin kung ano ang kahulugan nito. Batay sa impormasyon sa inyong aklat ayon kay Roger Farmer, ano ang kahulugan ng savings?

May iba pa bang kahulugan na nabanngit?





Gaano kahalaga ang pag-iimpok?



Maaari ka bang kumita kapagka ikaw ay nag-iipon?



Tama. Mahusay! Mayroon tayong tinatawag na investment kung saan ito ay ipon na ginagamit upang kumita. Sa tingin ninyo, papaano nagkakaroon ng economic investment?
Tama. Ang isang tao ay maaaring maglagay ng kanyang ipon sa mga Financial intermediaries. (Ang guro ay may ipapakitang pigura)
Batay sa nakitang impormasyon sa pigura, paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga konseptong nakikita sa pigura?


Mahusay ang naging pag-obserba batay sa inpormasyon sa pigura. Ang Financial Intermediaries ang siyang tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o magloan. Kung saan, sa mga Financial Intermediaries dinadala ng mga taong nag-iimpok ang kanilang pera. Samantala ang mga umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng ari-arian o di kaya ay para maging dagdag na puhunan sa kanilang negosyo.

Kung ikaw ay mag-iimpok, itatago mo ba ito sa bangko o gagawa ka nang iyong sariling alkansiya?

Magaling. Kung itatago nang matagal na panahon sa alkansiya ang pera, maaaring lumiit ang halaga nito dahil sa implasyon. Bukod dito, maaari itong magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan. Mas mabuti na ilagak ito sa matatag na bangko o iba pang Financial Intermediaries upang bumalik sa pamilihan ang salaping iniimpok.

Upang higit na malaman kung paano mas magiging wais at matalinong indibidwal na nag-iimpok. Ating talakayin ang 7 Habits of a Wise Saver. Iiisa-isahin natin ang mga naturang gawi, kung saan kayo ang magbibigay ng mga ito at ipapaliwanag ito base sa inyong pang-unawa. Maaari ring magbigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa mga ito. Handa na ba kayo?




Tama. Mahusay! At karagdagan, alamin kung sino ang may-ari ng bangko at sino ang mga namamahala nito. Sumunod, ano ang pangalawang gawi ng isang wise saver?

Mahusay! Isa pang mahalagang bagay na dapat tandaan ang isa pang mahalagang bagay dapat basahin at unawain ay ang term at condition ng bangko upang di malito sa mga patakaran at proseso na mayroon ang naturang bangko. Iba pang gawi na dapat taglayin ng isang wise saver?





Mahusay! Ito rin ay mabisang paraan upang makaiwas sa mga mapagsamantalang kalakaran ng bangko.








Magaling! Ano ang kasunod?







Eksakto! Ano pa ang ibang gawi? Mayroon pang natitirang dalawa.






Mahusay! Karagdagang impormasyon, ang kahulugan nito ay Philippine Deposit Insurance Corporation.  Ano ang panghuling gawi ng wise saver?





Mahusay! Huwag agad maniniwala sa mga alok ng mga taong di mo pa naman lubusang kilala. Naunawaan ba? Mayroon ba kayong mga katanungan?



Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo po.










Opo. Lalo na po kung hindi ito pinapalago.
Nauubos po kaagad ang pera dahil po sa mataas na presyo ng bilihin.


Madalas na ang pinanggagalingan ng pera ay ang mga kita o sweldo po ng tao sa kanilang mga trabaho.


Batay po sa ating mga nakaraang talakayan, ang kita po ang salaping tinatanggap ng mga manggagawa kapalit ng pagtatrabaho.


Ito po ang pagbili at paggamit ng mga produkto o serbisyo na magbibigay kapakinabangan sa tao.




Isang uri po ng mamimili na gastadora.
Yung bili lang po ng bili, hindi iiisip na kakailanaganin pa niya ng pera kinabukasan. Walang pakialam kung maubos man ito kaagad.












Iniipon po ito. Maaari po itong itabi o itago sa bangko bilang savings.








Sinasabi niya po na ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng gastos.

Opo. Ayon naman po kina Meek, Morton at Schug, ang ipon o savings ay kitang ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan.
Ang mga perang nakatabi ay maaaring madagdagan pa. At upang may magamit na salapi sa panahon na lubos itong kailangan.


Opo, dahil nadadagdagan po ang savings habang tumatagal.



Sa pamamagitan po ng paglalagak ng pera sa isang negosyo.




















Ang nag-iimpok at nangungutang ay nakabase sa mga Financial Intermediaries.


















Mas pipiliin ko po na mag-ipon sa bangko kaysa sa alkansiya. Sa bangko mas ligtas ang pera at maaari itong dumami.

















Ang una po ay kilalanin ang iyong bangko.
Magsasaliksik po ako sa internet upang malaman ang katayuan ng bangko kung ito ba ay nalulugi o maayos naman ang pamamalakad.




Ang sumunod po ay alamin ang produkto ng iyong bangko. Ang unang bagay na dapat malaman ay kung saan inilalagay ang mga perang iimpukin. Ito po ay maaaring ipagatanong sa mga namamahala ng bangko.


Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko. Dapat na piliin ang ankop na bangko upang itugma ang serbisyo sa pangangailangan ng nag-iimpok. At dapat ring klaruhin ng mabuti ang mga sinisingil at bayarin ng bangko.





Ingatan ang bank records at siguruhing up-to-date. Palaging i-update ang passbook at mga CTD (Certificate of Time Deposit) sa tuwing gagawa ng transaksyon sa bangko. At ipaalam kaagad sa bangko kung mayroong pagbabago sa contact details upang maiwasan na maipadala ang sensitibong impormasyon sa iba.

Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan nito. Huwag dapat mag-alinlangan na magtanong sa mga tauhan ng bangko ng magpakita ng identification card at humingi palagi ng katibayan ng transaksyon.




Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance. Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500, 000 sa deposito ng bawat depositor. Ang investment product, dinayang account, at depositing nagmula sa hindi ligtas at unsound banking practices ay hindi kabilang sa segurong ibinibigay ng PDIC.


Maging maingat. Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Upang makaiwas sa mga taong mapanlamang sa kapwa.







Wala po.




D.Pangkatang Gawain:
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral

Ngayon ay tutungo na tayo sa inyong pangkatang gawain. Ang lahat ba ay nasa kani-kaniyang pangkat na kinabibilangan? Ngunit bago ang lahat ay ipapaliwanag ko muna sa inyo ang mga pamantayan kung sa paanong paraan ko mamarkahan ang presentasyon ng bawat grupo. Ang bawat pangkat ay bubunot ng kanilang paksang ipapakita at bibigyan sila ng lima hanggang walong minuto upang ito ay kanilang paghandaan.












Una at Ikalawang pangkat

ROLE PLAY
(Magtatanghal ng isang maikling dula na nagpapakita ng mga halimbawa ng 7 Habits of Wise Saver)


Ikatlong Pangkat

POSTER MAKING
(Sa pamamagitan ng pagguhit ay ipapakita nila ang Ugnayan ng Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo. Ito ay ipapaliwanag nila sa klase.)



Ikaapat na Pangkat

TULA-RAP
(Bubuo ng isang tula na naglalaman ng tatlo hanggang limang saknong, kung saan pagkatapos ng tula ay gagawan rin ito ng rap na bersyon. Ito ay patungkol sa ugnayan ng kita, pag-iimpok at pagkonsumo)

Ikalimang Pangkat

LIKHAWIT
(Lalapatan ang musika ng paggalaw ng katawan sa pamamagitan ng pagsayaw. Ito ay patungkol sa ugnayan ng pangkalahatang kita, pag-iimpok at pagkonsumo.)




E.Paglalahat
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral

1.Batay sa ating pinag-aralan, paano mo ngayon masasabi na magkaka-ugnay ang pangkalahatang kita, pag-iimpok at pagkonsumo? Tama. Mahusay


2.Kung ikaw ay mag-iimpok, saan mo ito ilalagak? Sa bangko ba o sa alkansiya?



Ang salapi po na galing sa kita ng isang tao ay maaaring ipunin at gamitin sa pagbili ng ating mga pangangailangan at kagustuhan.


Kung ako po ay mag-iimpok, ito po ay aking iipunin sa bangko sapagkat higit po itong makatutulong sa negosyo at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.



IV.Pagtataya
A.Isulat ang salitang SAVINGS kung ito ay may kinalaman sa pag-iimpok at EXPENDITURES naman kung ito ay paraan ng pagkonsumo o paggastos.
_______1. Laptop
_______2. PAG-IBIG Fund
_______3. Landbank
_______4. Burger
_______5. PNB

B.Ilagay sa patlang ang salitang “WERPA” kung ang ipinahahayag ay tama at “PETMALU” naman kung ito ay mali.
_______1. Maaring makipagtransaksiyon sa labas ng bangko at di kilalang tauhan ng bangko.
_______2. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
_______3. Iwasan na mag-update ng mahalagang impormasyon sa bangko at ingatan ang mga bank records.
_______4. Unawain kung saan inilalagak ang mga perang iyong iniimpok.
_______5. Kilalanin kung sino ang may-ari ng bangko at  pati na rin ang mga taong namamahala nito.

V.Kasunduan
1. Paano nagaganap ang konsepto ng implasyon?
2.Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng Price Index? Lagyan ng paliwanag o kahulugan ang bawat uri ng Price Index na nakalap.

Sanggunian: Ekonomiks, Modyul para sa mga Mag-aaral
Pahina: 275-279


                          Example of Semi-detailed Lesson Plan                     







           Teaching is not an easy task, I do believe that effective teaching comes only with proper planning. Being a teacher, it is necessary to be equipped with lesson plan. Having a written plan serve as teachers’ guide in having a daily class discussion. Also, if there are circumstances that the teacher will not able to attend the class, the sub-teacher may find it easier to continue class discussion through the help of the lesson plan given.

During my practice teaching at San Roque National High School, I was tasked to teach Grade 9 students and was to oblige to submit a lesson plan a day before teaching the topic. My cooperating teacher required me to have a prepared lesson plan every week. Aside from it is necessary to have a lesson plan, school principal monitoring the performance of student teacher by checking their lesson plan. So, all of the student teachers at my cooperating school was always busy doing their lesson plan. Then, I realized how having a prepared lesson plan before teaching the subject matter was very important for me as a teacher.

I’ve experienced in my In-campus practice teaching that my critic has a different style in writing a lesson plan. In a way that it is far from what I have learned from my education subjects. After a few weeks, I was able to learn her own styles in planning the lessons. Wherein, I found it effective even if the format is far away from what I learnt from my professors before. I’ve learned how the teachers have their own ways of teaching, planning their lessons. But despite of the differences, they have the same goal and that is to meet with their objectives of their everyday lesson plan.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Titles and brief synopsis of professional readings and references

Prayer of a student teacher and Personal Education Philosophy