A brief description of the site of practice teaching
Noong Hunyo 19, 1988, pinagpasiyahan ni Kalihim
Quisumbing ang kahilingan para mabuksan at masimulan ang Kapitangan – Baranggay
High School o KBNH – Annex, kasama ang pagsang-ayon ng DECSRO III – Region –
Tagapamanihala Bernardo M. Reyes.
Kahit na ang mga tagapangasiwa ng Paombong High School o PHS ay sinang-ayunan din ito kasunod ng pagtalima ng mga taong nasa katungkulan upang maisakatuparan ito.
Sa unang taon ng pagbubukas at pagsisimula ng klase,
ang kabuuang dami ng batang sumubok ng kanilang pag-aaral ditto ay umabot sa 98
mag-aaral. Kasamang ipinahiram ang di-ginagamit na silid-aralan ng Mababang
Paaralan Central ng Paombong.
Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga
mahihirap na pamilya ng Paombong, si Kongresman Francisco B. Aniag ay sumulat
kay Bise-Alkalde Manuel T. Gonzales upang ipagbigay alam ang pagsisimula ng
pagtatayo ng nasabing gusali na may anim na silid-aralan ng Kagawaran ng Gawain
Pandaan at Pagkukumpuni.
Sa sulat ng ibinigay ni kay Directress Pahati ng
PHS, si Direktor Reyes ay umaasa na darating din ang tamang pagkakaton upang
mailagay sa ayos ang kasunduan sa pagitan ng KBHS-Annex at ng PHS.
Noong Enero 5, 1989, ang PHS ay naniguro ng pagsagot
ng pagtulong upang maisaayos ang usapan at sinabing “Kung kinakailangang gawing ipagbili namin sa ikapagpapasiya ng
KBHS-Annex ay gagawin naming”.
Ngunit hindi pa rito natapos ang usapan sa pagitan
ng KBHS-Annex at PHS. Noong 1989, isang pangyayari ang lalong nakapagpabago sa
takbo ng pamamalakad sa DECS. Nagkaroon ng isang kontrobersya sa pagitan ng mga
matataas na opisyal. Nagkaroon ng balasahan sa tungkulin at si Kalihim
Quisumbing ay napalitan ni Kalihim Isidro Carino.
Isa pang maitatalang pagbabago, noong Marso 17, 1989
isang pagpupulong ang ginanap sa Sangguniang Panlalawigan. Isang panukala ang
inialok ni Konsehal Daniel Capulong upang baguhin ang pangalan ng Kapitangan
Barangay High School – Annex at maging Mataas
na Paaralan ng San Roque dahil sa ilang kadahilanan:
1.
Ang pondong
ginagamit upang mapalakad at mapangasiwaan ito ng maayos ay galing sa bayan ng
Paombong.
2.
Ang Nasyonal at
ang Panlalawigang-Pamahalaan ay patuloy na susuportahan ang paaralang nabanggit
kung ang pangalang gagamitin ng paaralan ay lugar ng kinatatayuan nito.
Ang panukala sa pagbabago ng pangalan ng paaralan ay
walang tutol na pinagpasiyahan ng pamunuan.
Maitatala sa aklat ng kasaysayan na sa patuloy na
pag-unlad at pagsulong ng San Roque Public High School, ang mga taong may
matataas na katungkulan sa larangan ng pulitika ay lagi nang may mahalagang
tungkulin na ginagampanan. Laging matatandaan na ang Kapulungan-Panlalawigan
(Municipal Council) ay siyang bumalikat ng lahat ng gastusin sa mga unang taon
ng pamamalakad ng paaralan. Pinaalam din na ang mga kinaukulang ginamit na
pinansyal at budget ng SRPHS, ang ating Tagapangulo ng Edukasyon, Pang-Punong
Bayan Manuel T. Gonzales ay dumanas ng maraming myembro ng konsehal. Hindi
katulad ng mga unang pangyayari na ang anumang pagpapasiya ay laging naaayon sa
lalong ikabubuti ng Mataas na Paaralan ng San Roque. Sa ngayon ay isaa o dalawa
lamang ang nahahanay sa masugid na pumapabor.
Pagkatapos ng dalawang buwang pag-aaral at
pagsisiyasat ng mga nakuhang impormasyon, pati na ang panukalang ipinasa ng
Division Secondary Education Task Force at ang mga makatotohanang pagpapaliwana
na isinukat ng Namumunong Guro na si G. Roquito E. Patricio noong Hunyo 18,
1990, si Superintendent Yap ay nagpadalang muli ng panukala na ang pagpapatuloy
ng pagpapatakbo ng Mataas na Paaralan ng San Roque sa Regional Director at ito
ang kanyang panig at katwiran:
1.
Ang Paombong
High School at ang Mataas na Paaralan ng San Roque ay may mga mag-aaral na
buhat sa magkaibang antas ng pamumuhay. Ang Paombong High School ay nakatutugon
lamang sa panggitna at mataas na pamumuhay samantalang ang SRPHS ay tamang-tama
lamang makatugon kahit sa may pinaka-mababang antas ng buhay na tao o iyong mga
mahihirap na kababayan.
2.
Humigit kumulang
ay umabot sa ₱1,300.00 ang matrikulang hinihingi ng Paombong High School na
hindi makakayanan ng mga mag-aaral ng SRPHS.
3.
Masasabing kahit
dalawang nabanggit na paaralan ay sadyang malapit sa isa’t-isa, ang mga
mag-aaral ng Paombong High School ay hindi lilipat upang mag-aral sa SRPHS.
Sa kasalukuyan, ang Pambansang Mataas na Paaralan ng
San Roque ay patuloy sa hindi mapipigilan nitong pagyabong at pag-unlad.
Katunayan sa ika-25 nito sa bayan ng Paombong, kung sa simula ay may 3 guro
lamang, ngayon ay umaabot na ito sa 60 guro. Ang mga mag-aaral dati ay may
bilang 98 lamang, ngayon ay umaabot na sa 1,500 na mag-aaral na bumubuo sa 34
na pangkat na noon na nagmulsa sa 2 pangkat lamang.
Tunay na hindi matatawaran ang tatag ng pundasyon ng
San Roque National High School sa patuloy na paglilingkod o pagbibigay serbisyo
sa mga mamamayan ng Paombong lalong higit sa mga kabataang naghahangad ng
maganda at de-kalidad na edukasyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento